Panitikang Asyano
Please like and share this site
  • Home
  • Blog
  • About
  • Contact

Pabula: Nagkamaling  Utos (Revised)

10/16/2014

4 Comments

 
Sa malayong kaharian ng mga tutubi ay may naninirahang isang prinsesang tutubi. Siya’y bugtong na anak nina Haring Tubino at Reyna Tubina ng kahariang Matutubina. Mahal na mahal ng hari at reyna ang anak nila. Sinasabing ipaglalaban ng buong kaharian ang anumang kaapihan ni Prinsesa Tutubi.

Si Prinsesa Tutubi ay mahilig mamasyal at magpalipad-lipad sa papawirin. Lagi niyang kasa-kasama ang kaniyang mga piling dama at mga tagasubaybay na mangyari pa ay pawang mga tutubi rin.

Isang araw, habang siya ay masayang lumilipad sa papawirin, may nakatanaw sa kanyang isang matsing. Nabighani ang matsing sa kagandahan ng prinsesang tutubi. Umakyat ang matsing sa pinakamataas na puno upang mas masulyapan ang prinsesa. Ng makita niya ito ng mas malapitan, sinabi niya, "Magandang araw sa iyo binibini. Maari ko bang makuha ang iyong pangalan?" Agad namang lumingon papalayo si Prinsesa Tutubi dala ng takot at pangamba dahil hindi pa siya nakakakita ng ganoong uri ng hayop noon. Lumipad siya patungong kaharian.

Dala ng kapursigiduhan ay sinundan siya ng matsing. Dahil hindi makakapasok ang anumang uri ng hayop sa kaharian ng mga tutubi dahil sa malakas na salamangkang bumabalot nito ay matiyang inaabangan ng matsing si Prinsesa Tutubi sa labas ng kaharian. "Oh aking ini- ibig na tutubi, ikaw sana'y lumabas at nang masilayan ko ang gandang iyong tinatago." Pagsusumalit na sabi ng matsing. 

'Di nagtagal ay lumabas na ng kaharian si Prinsesa Tutubi upang mamasyal. Nakita ito ng matsing at malihim na sinundan. Sa hindi kalayuan naman ay may mga grupo naman ng mga palaka ang nag- aabang na lumapit sa kanila si Prinsesa Tutubi upang kanilang maging agahan. "Hayan na! Malapit na siya! Siguradong mas masarap ang isang iyan kung ating ikukumpara sa ating mga nakain!" Magiliw na sabi ng isa sa mga palaka. "Ihanda na ang mga patibong! Ihanda na ang inyong mga dila!" Utos ng pinuno ng mga palaka. 

Nang lumapit na si Prinsesa Tutubi, mabilis na inilatag ng mga palaka ang kanilang plano. Walang naggawa ang mga bantay ni Prinsesa Tutubi sa mga patibong ng mga palaka. "Wala tayong laban sa kanila mahal na Prinsesa, patawarin niyo man kami, ay talagang wala kaming magagawa. Ang lalaki nila at ang rami pa! Talagang tigok tayong lahat", sabi ng isa sa kanyang mga bantay. "Huwag kang humingi ng tawad sa akin, ako ang may kasalanan kung bakit tayo nandito ngayon. Kung hindi na sana ako umalis sa ating kaharian ay siguro hindi ito mangyayari" sagot ni Prinsesa Tutubi. 


Ang matsing naman ay awang- awa sa kaniyang ini- ibig, pero kung siya ay magpapadalos- dalos, ay baka buhay naman niya ang maging kapalit. Kaya nag- isip siya ng paraan. Nang maka- isip ng paraan ay agad niya itong isinagawa. 


"Mga bubutihing mga palaka, ako sa inyo'y awang- awa. Sa rami niyong iyan ay paano magkakasya ang 3 maliliit na tutubing iyan? Siguradong gutom na gutom na kayo. Kung inyong mararapatin ay may isang lugar akong nalalaman na may napakaraming tutubi ang naninirahan, sa dami nito ay hindi ninyo ito mauubos kaagad. At, malapit lang iyon dito." Makompyansang mungkahi ng matsing. "Aba aba!, at sino ka naman upang aming paniwalaan?" Tanong ng pinuno ng mga palaka. "Akoy isang Ermitanyong matsing lang naman na naglalakbay sa buong kagubatang ito. Alam ko at nakabisado ko na halos ang bawat sulok ng ating ginagalawang lugar." Sagot naman ng matsing. "Kung ako sa inyo'y papakawalan ko na lang ang tatlong maliliit na tutubing iyan at sisimulan ko ng maglakbay patungo sa lugar na may napakaraming tutubi.", dagdag ng matsing. 

Kaya naman ay pinakawalan ng mga palaka ang kanilang mga bihag at nag simulang maglakbay. 

"Maraming salamat sa iyo ginoo". pasasalmat ni Prinsesa Tutubi. "Kung hindi ka dumating ay tiyak, ulam na kami ng mga palakang iyon. Maramang salamat". 

"Lahat ay aking gagawin para sa aking minamahal Prinsesa, kahit na buhay ko man ang maging kapalit, basta lang makita kong buhay ang nagpapatibok ng aking puso" sagot ng matsing.

Simula nuon ay naging matalik na magkaibigan ang dalawa at hindi lumaon ay nagkamabutihan sila at nag isang dibdib na. Kasabay nito ay ang pagkakaresolba ng matagal ng alitan ng mga matsing at mga tutubi. Ipinaalis na ng hari ng mga tutubi ang mahiwaga g salamangka na bumabalot sa kanilang kahariang at pinayagan ng lumabaspasok ang mga masting doon, gayun din ang kaharian ng mga matsing.

Simula nuon ay namuhay na sila ng masya at masagana.



4 Comments

Sanaysay: Pagpapahalaga sa pagka-Asyano

10/15/2014

97 Comments

 
     Ang pagiging Asyano ay isang bagay na dapat natin Ipagmalaki, kasi ang mga Asyano ay naii-ba sa lahat. May espesyal tayo na katagian na wala ang iba. Hindi dapat tayo mahiya na Asyano tayo, alam niyo ba ang Asya isang kontinte na diyan tumitira lahat nang Asyano ay ang pinakamalaking continente sa mundo. At hindi laman diyan, ang mga Asyano ay mayaman sa likas na yaman. At dahil diyan marami ang nai-ambag ang mga Asyano sa mundo.

      Sila din ang guamawa ng mga payong at malaki ang naitulong nito sa mundo kung  napapansin mo ibat-ibang tao ang gumagamit ng payong hindi laman ang mga Asyano. At ang mga sasakyan na ginagamit nang tao araw-araw pang transportasyon ay halos lahat galing sa Asya, katulad nalang ng mga sasakyan na may brand na KIA, MITSUBISHI at iba pa galing to sa Asya na ginagamit sa transportasyon. At kung babasihin naman natin sa cusina marami din ang nai-ambag ang mga Asyano katulad nalang nang noodles na kinakain natin at hindi laman ang mga Asyano ang kumakain nito. At marami pa ang na itulong ngga Asyano na hindi ko nabangit

     Dapat talaga natin pagpahalalagaan ang pagiging Asyano, kasi kung wala ang mga Asyano walang ang mga bagay na ito na may malaking epekto sa mundo kaya dapat tayo hindi mahiya na Asyano tayo. Dapat natin ipagmalaki na Asyano tayo. Dapat tayo hindi mahiya na Asyano tayo. Asyano ako, at hindi ako nahihiya ipagmalaki na Asyano ako.
97 Comments

Sanaysay: Labanan

10/15/2014

0 Comments

 
Away dito away doon. Patay dito patay doon. Ano na ba ang nangyayari sa ting mundong ginagalawan? Bakit sila naglalaban laban? Wala ba silang makitang solusyon sa kanilang mga problema kundi labanan? 

Sa aking palagay, may dalawang pangunahing rason ang mga taong ito kung bakit sila naglalaban laban. Una ay ang pagkagusto nila sa labis na kapangyarihan, hindi lamang sa politikal na aspeto ngunit pati na rin sa iba pang aspeto ng buhay. Ikalawa ay ang pagmimithi nila ngkapayapaan, hindi lamang para sa kanilang mga sarili ngunit pati na rin sa buongdaigdig.

Ang pag- aasam ng labis na kapangyarihan ay talaga namang napakasama. Ito yata ang sukdulan ng pagiging masama. Para bang ang mga tao hindi na kontento sa kanilang pamumuhay kaya naman mas gusto nilang makaangat sa ibang tao. Oo, hindi masamang mangarap na makaangat sa buhay, pero masama ang mangarap na mas makaangat sa ibang tao. At hindi lang simpleng pangangarap ang gingawa nila ngayon, nag- aalsa na sila laban sa kanilang mga bansa at unti- unti nilang nilalalson ang mga isip ng mga nakakarami. Pumapatay sila para lang makuha nila ang kanilang mga pangarap. Hindi ba't napakasama na nun?

Pangalawa namanay ang pag- aasam nila ng kapayapaan sa buong daigdig. Nakpagtatakta diba? Yung ibang tao, nag- aalsa sila dahil sa gusto na nilang tapusin ang isang administrasyon at gumawa ng bago upag mapaunlad nila angkanilang bayan. Dahil sa ganitong kagustuhan, sila na mismo ang pumapatay at gumagawa ng paraan. Dahil dito, nagiging banta na sila sa kanilang mga karatig bansa. Kung gayon, nagpapadal ng mga puwersang militar ang malalakas na bansa upang puksain ang mga rebelyon sa lugar na iyon at magkaroon ng kapayapaan. Kuha mo ang lohiko?

Sa ganitong mga rason nagkakaroon at magkakaroon tayo ng mga labanan at di pagkakaunawaan sa ibang bansa. Bilang isang estudyante, anong magagawa mo? Anong laban mo sa mga malalaking makinaryang ipangtatapat sa kapangyarihan? Hahayaan mu bang manonood kana lang diyan? Ngayon ang tamang oras para gumawa ng aksyon!

Mahirap man tanggapin, pero ito ang siyang katotohanan. Katotohanang itinago sa atin ng kay tagal. Ngayon harapin niyo ang purong katotohanan at mag- isip isip, saan ba ako nararapat, sa problema o sa magiging solusyon? Sa kamay mo nakasalalay ang kinabukasan ng ating daigdig. 

Salamat!!!
0 Comments

Pabula

10/15/2014

0 Comments

 
Picture
Ang Ambisyosong Kuneho
Ralph Andaya

     Sa isang masukal na gubat, na napakalayo sa siyudad, may nanirahang mga magkakaibigang hayop, sina kuneho, tipaklong at langgam. Silang tatlo ay malapit na magkakaibigan. Sabay silang lumaki sa masukal na kagubatang iyon. Sa lahat ng oras ay magkakasama silang tatlo. Sama- sama sila kung maghanap ng pagkain. Tabi rin sila kung matulog at higit sa lahat, tapat sila sa kanilang mga kaibigan. 


     Isang araw, habang naghahanap sila ng makakain, ay may biglang nakita si kuneho. "Tingnan niyo mga kaibigan! May lumilipad! Ang layo yata nito sa atin! Hali kayo sundan natin!" Sinundan nina kuneho, tipaklong at langgam ang lumilipad na bagay hanggang sa hindi na nila ito mahagilap. "Naku sayang, hindi natin nakita sa malapitan ang lumilipad na bagay na iyon." Panghihinayang ni langgam. "Oo nga, kahit akong lumilipad na hayop ay hanganghanga sa matayog na lipad ng bagay na iyon." pagsang- ayon ni tipaklong. Kaya Nagpatuloy ang tatlo sa paghahanap ng pagkain.

     Sa kanilang tirahan ay napatanong si kuneho sa kanyang sarili, "Ano kaya ang nasa itaas namin? Ano kaya ang pakiramdam na lumilipad sa himpapawid at tanaw mo ang iyong ginagalawang lugar? Siguro kung makakalipad ako ay siguradong hahangaan ako a sasambahin ng mga kaibigan ko at ng iba pang nilalang sa gubat na ito." Napagisp- isip ni kuneho ang kanyang katanungan at sinabi sa sarili, "Aha! Alam ko na! Gagawa ako ng pakpak na tulad nung kay tipaklong pero mas malaki lang ng bahagya upang ako ay mabuhat nito sa himpapawid. Siguradong sasambahin ako ng dalawa kong kaibigan!" 

     Sinimulan ni kuneho ang kanyang proyekto at hinakot na ang mga bagay na kanyang kakailanganin. "Para saan iyan, kuneho?" Tanong ni tipaklong. "Hindi ka ba sasama sa amin ngayong maghahanap ng pagkain?" Dagdag niya. "Hindi muna siguro ako sasama ngayon sa inyo ngayon kaibigang tipaklong dahil meron akong gagawing importante. "Masimportante pa ba sa pagkukuha ng pagkain ang iyong gagawin kuneho?" mungkahi ni langgam kay kuneho. "Ahmmm, oo langgam, kung magagawa ko ito ay mas madali na tayong makakakuha ng pagkain at mas magiging masya ako, ay este, tayo." Saot ni kuneho.

Kaya tumungo na ang dalawa sa paghahanap ng pagkain. Ginugol ni kuneho ang lahat ng oras niya sa paggawa ng kanyang mga pakpak. Pati ang oras ng pagtulog ay kanyang isinakripisyo. At hindi niya namamalayan na pati na rin pala ang pagkakaibigan nilang tatlo ay untiunti ng nilalamon ng kanyang pangarap. "Sa wakas! Natapos ko na rin! Papaliparin ko na ito ngayun din mismo!" Sabik na sabik na mungkahi ni kuneho. 

     Habang abala ang lahat sa pagtulog, inilabas ni kuneho ang kanyang mga gawang pakpak at sinubukan ito. "Isa, dalawa, tatlo, heto na ako!" Dalidaling sigaw ni kuneho. "Lumilipad na ako! Hahahahahaha!" Dagdag pa niya. Nagising sina langgam at tipaklong at nabighani sa paglipad ni kuneho ng walang ano anoy bigla itong nawalan ng kontrol sa kanyang mga pakpak dahil hindi nakayanan ng pakpak niya ang bigat. "Tulong! Tulong! Tulungan niyo ako!" pagmamakaawa ni kuneho. Dalidaling kumuha ng mga dahon ang dalawa at inilatag ito sa kung saan babagsak si kuneho. "Booomm". "Aray- aray, ang likod ko, ang binti ko, ang ulo ko, ang tuhod ko. Aray!" Pero kung hindi inilatag nina langgam at tipaklong ang mga dahon ay siguradong mas grabe pa ang matatamong sakit ni kuneho.

     "Ako sana'y inyung patawrin dahil sa aking pagkakamali. Hind ko dapat iyon ginawa". Pagmamakawa ni Kuneho. "Sino ba naman ang hindi makakatiis sa kaibigan! Hali ka nga dito!" Saba na sabi ng dalwa niyang kaibigan. Sila ay nagyakapan at nagiyakan at nagtawanan.
0 Comments

Tanka

10/15/2014

0 Comments

 
Picture
Wagas na Pag-ibig
Ralph Andaya



Magbago may daigdig,
Kahit liparin
Ng hanging walang himig,
'Koy iyo parin
At wagas na iibig

0 Comments

Tanaga

10/15/2014

0 Comments

 
Picture
Ibig
Ralph Andaya

Maglaho man daigdig, 
Matuyo man ang tubig,
Lahat 'king idadaig,
Ganyan aking pag-ibig.
0 Comments

Haiku

10/15/2014

0 Comments

 
Picture



Kaibigan

Ralph Andaya



Sa Kagipitan,
Meron kang kaibigan,
'Yong malapitan.
0 Comments

    Archives

    October 2014

    Categories

    All

    RSS Feed


Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • Home
  • Blog
  • About
  • Contact