Ang Ambisyosong Kuneho
Ralph Andaya
Ralph Andaya
Sa isang masukal na gubat, na napakalayo sa siyudad, may nanirahang mga magkakaibigang hayop, sina kuneho, tipaklong at langgam. Silang tatlo ay malapit na magkakaibigan. Sabay silang lumaki sa masukal na kagubatang iyon. Sa lahat ng oras ay magkakasama silang tatlo. Sama- sama sila kung maghanap ng pagkain. Tabi rin sila kung matulog at higit sa lahat, tapat sila sa kanilang mga kaibigan.
Isang araw, habang naghahanap sila ng makakain, ay may biglang nakita si kuneho. "Tingnan niyo mga kaibigan! May lumilipad! Ang layo yata nito sa atin! Hali kayo sundan natin!" Sinundan nina kuneho, tipaklong at langgam ang lumilipad na bagay hanggang sa hindi na nila ito mahagilap. "Naku sayang, hindi natin nakita sa malapitan ang lumilipad na bagay na iyon." Panghihinayang ni langgam. "Oo nga, kahit akong lumilipad na hayop ay hanganghanga sa matayog na lipad ng bagay na iyon." pagsang- ayon ni tipaklong. Kaya Nagpatuloy ang tatlo sa paghahanap ng pagkain.
Sa kanilang tirahan ay napatanong si kuneho sa kanyang sarili, "Ano kaya ang nasa itaas namin? Ano kaya ang pakiramdam na lumilipad sa himpapawid at tanaw mo ang iyong ginagalawang lugar? Siguro kung makakalipad ako ay siguradong hahangaan ako a sasambahin ng mga kaibigan ko at ng iba pang nilalang sa gubat na ito." Napagisp- isip ni kuneho ang kanyang katanungan at sinabi sa sarili, "Aha! Alam ko na! Gagawa ako ng pakpak na tulad nung kay tipaklong pero mas malaki lang ng bahagya upang ako ay mabuhat nito sa himpapawid. Siguradong sasambahin ako ng dalawa kong kaibigan!"
Sinimulan ni kuneho ang kanyang proyekto at hinakot na ang mga bagay na kanyang kakailanganin. "Para saan iyan, kuneho?" Tanong ni tipaklong. "Hindi ka ba sasama sa amin ngayong maghahanap ng pagkain?" Dagdag niya. "Hindi muna siguro ako sasama ngayon sa inyo ngayon kaibigang tipaklong dahil meron akong gagawing importante. "Masimportante pa ba sa pagkukuha ng pagkain ang iyong gagawin kuneho?" mungkahi ni langgam kay kuneho. "Ahmmm, oo langgam, kung magagawa ko ito ay mas madali na tayong makakakuha ng pagkain at mas magiging masya ako, ay este, tayo." Saot ni kuneho.
Kaya tumungo na ang dalawa sa paghahanap ng pagkain. Ginugol ni kuneho ang lahat ng oras niya sa paggawa ng kanyang mga pakpak. Pati ang oras ng pagtulog ay kanyang isinakripisyo. At hindi niya namamalayan na pati na rin pala ang pagkakaibigan nilang tatlo ay untiunti ng nilalamon ng kanyang pangarap. "Sa wakas! Natapos ko na rin! Papaliparin ko na ito ngayun din mismo!" Sabik na sabik na mungkahi ni kuneho.
Habang abala ang lahat sa pagtulog, inilabas ni kuneho ang kanyang mga gawang pakpak at sinubukan ito. "Isa, dalawa, tatlo, heto na ako!" Dalidaling sigaw ni kuneho. "Lumilipad na ako! Hahahahahaha!" Dagdag pa niya. Nagising sina langgam at tipaklong at nabighani sa paglipad ni kuneho ng walang ano anoy bigla itong nawalan ng kontrol sa kanyang mga pakpak dahil hindi nakayanan ng pakpak niya ang bigat. "Tulong! Tulong! Tulungan niyo ako!" pagmamakaawa ni kuneho. Dalidaling kumuha ng mga dahon ang dalawa at inilatag ito sa kung saan babagsak si kuneho. "Booomm". "Aray- aray, ang likod ko, ang binti ko, ang ulo ko, ang tuhod ko. Aray!" Pero kung hindi inilatag nina langgam at tipaklong ang mga dahon ay siguradong mas grabe pa ang matatamong sakit ni kuneho.
"Ako sana'y inyung patawrin dahil sa aking pagkakamali. Hind ko dapat iyon ginawa". Pagmamakawa ni Kuneho. "Sino ba naman ang hindi makakatiis sa kaibigan! Hali ka nga dito!" Saba na sabi ng dalwa niyang kaibigan. Sila ay nagyakapan at nagiyakan at nagtawanan.