Sa malayong kaharian ng mga tutubi ay may naninirahang isang prinsesang tutubi. Siya’y bugtong na anak nina Haring Tubino at Reyna Tubina ng kahariang Matutubina. Mahal na mahal ng hari at reyna ang anak nila. Sinasabing ipaglalaban ng buong kaharian ang anumang kaapihan ni Prinsesa Tutubi.
Si Prinsesa Tutubi ay mahilig mamasyal at magpalipad-lipad sa papawirin. Lagi niyang kasa-kasama ang kaniyang mga piling dama at mga tagasubaybay na mangyari pa ay pawang mga tutubi rin.
Isang araw, habang siya ay masayang lumilipad sa papawirin, may nakatanaw sa kanyang isang matsing. Nabighani ang matsing sa kagandahan ng prinsesang tutubi. Umakyat ang matsing sa pinakamataas na puno upang mas masulyapan ang prinsesa. Ng makita niya ito ng mas malapitan, sinabi niya, "Magandang araw sa iyo binibini. Maari ko bang makuha ang iyong pangalan?" Agad namang lumingon papalayo si Prinsesa Tutubi dala ng takot at pangamba dahil hindi pa siya nakakakita ng ganoong uri ng hayop noon. Lumipad siya patungong kaharian.
Dala ng kapursigiduhan ay sinundan siya ng matsing. Dahil hindi makakapasok ang anumang uri ng hayop sa kaharian ng mga tutubi dahil sa malakas na salamangkang bumabalot nito ay matiyang inaabangan ng matsing si Prinsesa Tutubi sa labas ng kaharian. "Oh aking ini- ibig na tutubi, ikaw sana'y lumabas at nang masilayan ko ang gandang iyong tinatago." Pagsusumalit na sabi ng matsing.
'Di nagtagal ay lumabas na ng kaharian si Prinsesa Tutubi upang mamasyal. Nakita ito ng matsing at malihim na sinundan. Sa hindi kalayuan naman ay may mga grupo naman ng mga palaka ang nag- aabang na lumapit sa kanila si Prinsesa Tutubi upang kanilang maging agahan. "Hayan na! Malapit na siya! Siguradong mas masarap ang isang iyan kung ating ikukumpara sa ating mga nakain!" Magiliw na sabi ng isa sa mga palaka. "Ihanda na ang mga patibong! Ihanda na ang inyong mga dila!" Utos ng pinuno ng mga palaka.
Nang lumapit na si Prinsesa Tutubi, mabilis na inilatag ng mga palaka ang kanilang plano. Walang naggawa ang mga bantay ni Prinsesa Tutubi sa mga patibong ng mga palaka. "Wala tayong laban sa kanila mahal na Prinsesa, patawarin niyo man kami, ay talagang wala kaming magagawa. Ang lalaki nila at ang rami pa! Talagang tigok tayong lahat", sabi ng isa sa kanyang mga bantay. "Huwag kang humingi ng tawad sa akin, ako ang may kasalanan kung bakit tayo nandito ngayon. Kung hindi na sana ako umalis sa ating kaharian ay siguro hindi ito mangyayari" sagot ni Prinsesa Tutubi.
Ang matsing naman ay awang- awa sa kaniyang ini- ibig, pero kung siya ay magpapadalos- dalos, ay baka buhay naman niya ang maging kapalit. Kaya nag- isip siya ng paraan. Nang maka- isip ng paraan ay agad niya itong isinagawa.
"Mga bubutihing mga palaka, ako sa inyo'y awang- awa. Sa rami niyong iyan ay paano magkakasya ang 3 maliliit na tutubing iyan? Siguradong gutom na gutom na kayo. Kung inyong mararapatin ay may isang lugar akong nalalaman na may napakaraming tutubi ang naninirahan, sa dami nito ay hindi ninyo ito mauubos kaagad. At, malapit lang iyon dito." Makompyansang mungkahi ng matsing. "Aba aba!, at sino ka naman upang aming paniwalaan?" Tanong ng pinuno ng mga palaka. "Akoy isang Ermitanyong matsing lang naman na naglalakbay sa buong kagubatang ito. Alam ko at nakabisado ko na halos ang bawat sulok ng ating ginagalawang lugar." Sagot naman ng matsing. "Kung ako sa inyo'y papakawalan ko na lang ang tatlong maliliit na tutubing iyan at sisimulan ko ng maglakbay patungo sa lugar na may napakaraming tutubi.", dagdag ng matsing.
Kaya naman ay pinakawalan ng mga palaka ang kanilang mga bihag at nag simulang maglakbay.
"Maraming salamat sa iyo ginoo". pasasalmat ni Prinsesa Tutubi. "Kung hindi ka dumating ay tiyak, ulam na kami ng mga palakang iyon. Maramang salamat".
"Lahat ay aking gagawin para sa aking minamahal Prinsesa, kahit na buhay ko man ang maging kapalit, basta lang makita kong buhay ang nagpapatibok ng aking puso" sagot ng matsing.
Simula nuon ay naging matalik na magkaibigan ang dalawa at hindi lumaon ay nagkamabutihan sila at nag isang dibdib na. Kasabay nito ay ang pagkakaresolba ng matagal ng alitan ng mga matsing at mga tutubi. Ipinaalis na ng hari ng mga tutubi ang mahiwaga g salamangka na bumabalot sa kanilang kahariang at pinayagan ng lumabaspasok ang mga masting doon, gayun din ang kaharian ng mga matsing.
Simula nuon ay namuhay na sila ng masya at masagana.